Umakyat na sa 41 ang nasawi habang mahigit 20 ang nawawala matapos ang flashfloods at landslides dulot ng malakas na pag-ulan sa Northern India.
Kabilang sa matinding nalubog sa tubig at naapektuhan ng pagguho ng lupa ang na inital region sa Uttarakhand State na nasa paanan ng Himalayan mountains.
Ayon sa na Inital Senior Civil Office, ilang liblib na lugar sa bulubunduking rehiyon ang napinsala habang nasa 30 bangkay na ang kanilang narerekober.
Sumaklolo na rin sa search and rescue operations ang National Disaster Response Force sa naturang lugar.
Samantala, nagbabala naman ang Indian Meteorological Department na tatagal pa ng ilang araw ang malakas na pag-ulan na posibleng magdulot ng panibagong pagbaha at pagguho ng lupa. —sa panulat ni Drew Nacino