Patay ang 41 indibidwal habang sugatan naman ang 55 pa matapos sumiklab ang sunog sa isang Simbahan sa Cairo, Egypt.
Ayon sa Interior Ministry na siyang nangangasiwa sa Civil Protection Authority, nagsimula ang sunog sa isang air conditioned room ng ikalawang palapag ng Coptic Orthodox Church.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, naalarma ang mga nagdarasal dahilan kaya nagkaroon ng stampede.
Kabilang sa mga nasugatan at patuloy na nagpapagaling sa ospital ang limang policemen at iba pang indibidwal.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog sa nabanggit na lugar.