Pinalaya ang Person Deprived Liberty (PDL) sa Manila City Jail.
Ito’y upang makasama ang kanilang mga pamilya ngayong Christmas Season.
Ayon sa City Jail, 95% ng mga inmates ang nakulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga.
Nakalabas ang mga inmate dahil ito ay bilang bahagi ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at sa pamamagitan ng mga kasunduan sa ‘Plea Bargaining’ o pakikipag-ayos sa pagitan ng prosekusyon.
Ngunit, ang mga napalayang PDL kailangan pa ring sumailalim sa Drug Dependency Examination at Drug Counseling sa ilalim ng Treatment at Rehabilitation Center ng lungsod. —sa panulat ni Jenn Patrolla