41% ng mga pinoy ang naniniwalang pantay lamang ang mga kababaihan sa kalalakihan.
Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia kung saan naniniwala rin ang naturang bilang ng mga Pinoy na hindi pabigat ang mga kababaihan.
Sa natrang survey, 33% lamang ang nagsabing disadvantage ang pagiging babae habang undecided naman ang 26 na porsyento.
Sa naturang survey din halos lahat ng Pilipino o 94% ang naniniwalang dapat ipaglaban ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 6 hanngang 11 ng nakaraang taon sa may 1,200 respondents.
By Ralph Obina