Nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal sa Batangas.
Ayon sa PHIVOLCS, 42 volcanic earthquakes ang kanilang naitala sa nakalipas lamang na magdamag.
Nagpakita rin ng pagbuga ng steam-laden plumes ang main crater ng bulkan na may taas na 5-metro.
Umabot naman sa 71.8°C ang temperatura sa lawa ng main crater nitong ika-4 ng Marso, habang pumalo sa 1.59 ang pH level nito noong ika-12 ng Pebrero.
Patuloy naman ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang pananatili sa Taal Volcano Island dahil sa posibleng pagbuga nito ng steam, pagkaranas ng volcanic earthquakes, at minor ash fall.
Pinapayuhan din ang mga lokal na pamahalaan malapit sa bulkan na i-assess at paigtingin ang kanilang paghahanda.