Timbog ang 41 wanted person at 17 drug personalities sa isang linggong anti-criminality operations ng mga otoridad sa Cordillera.
Ayon kay BGen. Mafelino Bazar, regional director, nangunguna ang Baguio City Police Office sa may pinakamataas na bilang ng mga naaresto; sinundan ng Benguet PPO; Ifugao PPO; Abra PPO; at Mt. Province PPO na may pinaka mababa namang naaresto.
Sinabi ni Bazar na ang ikinasang anti-illegal drugs operation ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 12.11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa P82,348.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang lahat ng naarestong suspek.