Handa na ang apatnapu’t isang libong security forces at force multipliers para pangalagaan ang seguridad sa ASEAN summit na gagawin sa PICC sa Abril 26 hanggang 29.
Kasunod ito nang isinagawang send-off ceremony sa Quirino Grandstand para sa lahat ng security and emergency response forces para sa ASEAN summit.
Ipinabatid ni NCRPO chief police director Oscar Albayalde na dalawampu’t anim na libong unipormadong pulis at sundalo ang kanilang ide-deploy sa nasabing event.
Ipapakalat din ang labing limang libong force multipliers mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bukod pa sa augmentation force na ipinadala mula sa regions 1, 3 at 4.
Tiniyak ni Albayalde na handang handa na sila para sa pagbibigay seguridad upang matiyak ang seguridad ng lahat ng mga dadalong state leaders at mga delegado nito.
Wala naman aniya silang namo-monitor na anumang banta sa ASEAN summit.
By Judith Estrada-Larino
41,000 security forces at force multipliers kasado na para sa ASEAN Summit was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882