Niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Naval sa Biliran dakong alas siyete kinse ng kagabi.
Ayon sa Philvocs, naitala ang episentro nito sa lalim na 12 kilometers ng nasabing bayan.
Samantala, naitala rin ng nasabing ahensya ang Intensity 3 sa Naval, Kawayan, Almeria, Cabucgayan, Caibiran, Caluba at Biliran sa Biliran at San Isidro at Leyte sa lalawigan ng Leyte.
Intensity two naman sa capoocan, kananga at Palompon sa Leyte.
Habang intensity four naman sa Calubian, Leyte.
Wala namang inaasahan na pinsala at mga aftershocks bunsod ng nasabing pagyanig.