Umapela ang OCTA Research Group na masusing tutukan ang kanilang datos hinggil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Iginiit sa DWIZ ni Professor Ranjit Rye, isa sa mga myembro ng OCTA Research Group na nakabatay sa kanilang analysis ang mga inilalabas na data hinggil sa surge sa COVID-19 cases.
Tatanggapin namin lahat ng batikoy niyo pero tingnan niyo ho yung datos namin, tingnan niyo ho yung aming analysis po. Kung totoo to, then we all have to work and help each other. At lumalabas po sa balita ngayon, sa datos na inilabas namin 2 days ago, sa analysis namin last week, meron po tayong surge. Kailangan natin tong harapin. Dapat kakapit tayong lahat sa isa’t isa. Ang private sector, ang public, ang ating mga kababayan atsaka yung gobyerno at lalo na yung local government kasi ho it will hit us and it will hit us hard. Kahit we work wholly and we work together, we work swiftly, we might be able to mitigate the worst impact of this impending surge. ” si Professor Ranjit Rye, isa sa mga miyembro ng Octa Research Group sa panayam ng DWIZ.