Sisimulan na sa susunod na taon ang 419 hectare reclamation project sa Manila Bay.
Ito’y matapos lagdaan nina Manila Mayor Honey Lacuna at JBROS Construction Corporation President, Engr. Jesusito Legaspi Jr ang isang dredgefill extraction operations agreement para sa Horizon Manila Reclamation Project.
Sa ilalim ng proyekto, lilikha ng tatlong isla na gagawing industrial at commercial hubs at public housing para sa mga Manilenyo.
Taong 2019 nang aprubahan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang proyekto makaraang pumirma sa Memorandum of Understanding ang Local Government at PRA noong 2017. – sa panulat ni Hannah Oledan