Inaasahang makauuwi na ng Pilipinas ang ikalawang batch ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh ngayong araw.
Ayon kay Labor Attache Nasser Mustafa, lumipad pauwi ng Pilipinas ang 42 distressed OFWs noong Miyerkules sakay ng isang Philippine Airlines flight.
Isa aniya ito sa magandang resulta ng pagpunta ni Labor Secretary Silvestre Bello III at ni OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Administrator Hans Cacdac sa Riyadh.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, nasa 80 OFWs pa ang inaasahang maibabalik sa Pilipinas oras na makuha na nila ang kanilang mga exit visa.
Samantala, sagot naman ng OWWA ang air tickets ng mga OFWs na isinailalim sa repatriation.