Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson ang tig P1-M alokasyon sa 2021 national budget ang 42 distrito sa bansa.
Sinabi ni Lacson na nakita nila ang magkakaparehong alokasyon sa mga nasabing distrito sa gitna ng patuloy na pagbusisi ng senado sa panukalang 2021 national budget.
Malinaw ito aniyang insertion na isiningit sa national expenditure program kung saan ay atrasadong nakapagsumite ng proposed budget ng DPWH.
Ayon kay Lacson may mga kongresista ang nagsabing matindi ang pakikipag-haggle o tawaran sa pagitan ng ilang kongresista at DPWH kaya’t atrasado ang pagsusumite ng DPWH ng breakdown sa kanilang panukalang budget.
Una nang isiniwalat ni Lacson na mayroong P396-B na lump sum appropriations sa budget ng DPWH na isinumite ang breakdown 12 araw marapos ang 30 day required period.