Nasabat ng mga awtoridad ang 42 kahon ng mga smuggled na sigarilyo inagawan sub , lungsod ng puerto princesa.
Kinilala ang suspek na si Mark Jay Andrade Doce ,34 – anyos.
Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, nagsasagawa ng oplan sita ang mga operatiba ng city mobile force company sa lugar ng dumaan ang kulay grey na van na minamaneho ni Doce at ng inspeksyunin ito ng mga awtoridad ay doon tumambad ang mga smuggled na sigarilyo.
Sa kasalukuyan anya ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bureau of customs upang matukoy ang kabuoang halaga ng mga nasabat na kontrabando na ngayon ay nasa kustodiya parin ng pulisya maging ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o an act modernizing the customs and tariff administration.