Pinalaya na ng mga kidnaper ang 42 katao, kabilang ang 27 estudyante, na dinukot ng mga ito mula sa isang boarding school sa Zamfara state sa Nigeria.
Sinasabing ang mga napalaya ay kabilang sa tatlong daang estudyanteng babae na tinangay ng mga salarin mula sa Government Science secondary school.
Hindi naman binanggit ni Governor Abubakar Sani Bello kung nagbayad ito ng ransom kapalit ng pagpapalaya sa mga biktima.