Patay sa pagkalunod ang may 42 migrants makaraang lumubog ang dalawang magkahiwalay na bangkang sinakyan ng mga ito sa bahagi ng Aegean Sea.
Ayon sa ulat, isang bangka ang naunang lumubog sa isla ng Greece na Kalolimnos na ikinasawi ng 30 katao kabilang ang 11 bata.
Walo (8) pa ang nasawi makaraang lumubog naman ang isang bangka sa isla ng Farmakonisi.
Dahil dito, tinatayang nasa 100 na ang nasasawi sa Aegean ngayon buwan ng Enero.
Tiniyak naman ng Germany at Turkey ang kanilang commitment para aksyunan ang migrant crisis na nararanasan ngayon sa Europa.
By Ralph Obina