Umakyat na sa 42 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Lagos, Nigeria.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ng mga otoridad ang sanhi ng pagguho ng 21 palapag na gusali.
Samantala, umabot naman sa 15 ang bilang ng mga nakaligtas mula sa insidente makaraang matukoy ng mga otoridad ang anim na iba pa.
Ayon kay Lagos Governor Babajide Sanwo-Olu, mayroong inilaang tulong ang gobyerno para sa pagpapalibing sa mga biktima at tulong pinansyal para sa mga survivor.
Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga otoridad sa gumuhong gusali.—sa panulat ni Hya Ludivico