Humingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang 42 Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa isang Oil Industry sa Kuwait.
Ayon sa mga OFW, nais nilang makauwi ng Pilipinas dahil tapos na ang kanilang kontrata sa kanilang kumpaniya pero hindi umano sila makauwi dahil sa sobrang mahal ng ticket at may arrival quota pa rin sa Pilipinas.
Sinabi pa ng mga OFW na hindi umano nkayang sagutin ng kanilang kumpaniya ang kanilang mga ticket dahil nagkakahalaga ito ng mula 400 Kuwaiti Dinars hanggang 900 Kuwaiti Dinars o nagkakahalaga ng P66,400 hanggang P149,400.
Dahil dito, agad na pinuntahan ng mga opisyal ng POLO-OWWA ang mga pinoy OFW’s kung saan, kabilang ang 42 Pinoy na humingi ng tulong sa POLO ang nakasama sa 300 nmga OFW’s na napauwi gamit ang special flight na inorganisa ng POLO-OWWA Kuwait. —sa panulat ni Angelica Doctolero