Patay ang mahigit sa 40 mga pulis habang sugatan naman ang 9 matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus sa Buenos Aires, Argentina.
Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan sa pagkahulog ng bus sa may mahigit na 50 talampakan na bangin.
Patuloy ang ginagawang rescue operation ng mga otoridad sa bus na may lulan na mahigit 60 police officer.
Sinasabing ang pagkawala ng kontrol ng driver sa bus na sumusunod sa dalawa pang bus na lulan ng mga kapulisan ang maaaring dahilan ng aksidente.
By Mariboy Ysibido