Apatnapu’t dalawang (42) Sunni militants o mga miymebro ng grupong ISIS ang pinatawan parusang kamatayan matapos mapatunayang sangkot sa terorismo.
Kasunod na rin ito ng nangyaring suicide attack sa Nassiriya City noong Setyembre 14 na ikinasawi ng 60 katao.
Ayon sa Iraqi Justice Ministry ang 42 miyembro ng teroristang ISIS ay binitay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng Nassiriya Prison noong Linggo.
Isinagawa ang pagbitay sa harap ng mga kaanak ng mga naging biktima ng terorismo na inimbitahang manood.
—-