Patay na nang matagpuan ang apat na tuta sa Davao Del Norte.
Ayon sa ulat, sinabi ng may-ari nng tuta na kanya itong iniwan sa gilid ng daan sa mga gustong mag-ampon sa mga ito dahil natatakot siya na makagat nito ang kanyang mga anak.
Hindi pa tukoy ang may kagagawan sa nasabing insidente at magbibigay naman ng pabuya ang isang pribadong indibidwal sa sinomang makapagtuturo sa pumatay sa mga kaawa-awang mga tuta.—sa panulat ni Rex Espiritu