Naniniwala si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na maaari pang isailalim sa land reform at ipamahagi sa mga benepisyaryo ang ilang bahagi ng isla ng Boracay, Aklan.
Taliwas ito sa naunang ulat ng D.A.R. na wala ng lupa sa Boracay na maaaring isailalim sa land reform.
Ayon kay Castriciones, aabot sa 423 ektaryang agricultural land pa ang maaaring gawing sakahan sa isla.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte isasailalim niya ang buong isla sa isang land reform area at ipamamahagi ang lupain sa mga magsasaka sa oras na matapos ang six-month rehabilitation.