Isang COVID19 patient ang lumabag sa quarantine protocols sa Calamba, Laguna.
Ayon sa ulat, dinala ng naturang pasyente ang kanyang manganganak na misis sa isang ospital.
Sinabi naman ng opisyal ng barangay na nagbigay sila ng contact ng ambulansya upang tawagan ng mga ito sakaling manganak ang babae.
Sinamahan naman ng mga otoridad pabalik sa kanilang tahanan ang lalaki at hinigpitan ang pagbabantay upang matiyak na hindi ito makakalabas.
Dumipensa naman ang pasyente at sinabing hindi niya naman ginustong lumabas ng bahay at aniya’y hindi niya maaaring pabayaan ang kanyang mag-ina.