Sinuwag ng Barako Bull energy ang kanilang unang panalo sa PBA Philippine Cup.
Ito’y makaraang talunin ng barako ang Barangay Ginebra San Miguel sa score na 82-79, sa Mall Of Asia Arena, kahapon.
Bagaman sa unang bahagi ng game ay 21 ang kalamangan ng gin kings, nakahabol ang Barako Bull sa mga sumunod na quarter.
Kumamada ng 22 points si JC intal para sa Barako habang walang nagawa ang 27 points ni Greg Slaughter upang makabawi ang Ginebra.
Ito na ang ikalawang talo ng Gin King sa nabanggit na torneyo.
By: Drew Nacino