Apatnapu’t tatlong (43) alkalde ang pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung bakit hindi naging maayos ang kanilang pamamahagi ng cash subsidy sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magbababa sya ng show cause order laban sa 43 alkalde dahil karapatan ng kanilang mga nasasakupan na malaman ang dahilan kung bakit bigo silang makumpleto ang pamamahagi ng SAP sa kabila ng dalawang beses na pagpapalawig ng deadline.
Sinabi ni Año na 79% pababa ang naging accomplishment ng mga alkalde hanggang noong matapos ang deadline ng ika-10 ng Mayo.
Sa 43 alkalde, 11 ang mula sa Western Visayas, walo (8) sa MIMAROPA, lima (5) sa Central Visayas, apat (4) sa Davao Region at apat (4) sa National Capital Region.