Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 43 new COVID-19 cases sa loob ng kanilang hanay.
Dahil dito, umabot na sa 8,305 ang kaso sa pambansang pulisya.
Gayunman, sinabi ng PNP, na nananatili parin sa 27 ang COVID-19 death toll sa kanilang hanay.
Base sa ulat, sa kabuuang 8,305 cases, tanging 404 na lamang ang natitirang aktibo at nasa 7,874 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling makaraang madagdagan ito ng 30 new recoveries.