Bumendera ang Cordillera Police sa dami ng mga nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y ayon sa PNP health service ay makaraang makapagtala ng 43 bagong kaso ng COVID-19 ang PNP dahilan upang umakyat na ang bilang nito sa 8,305.
Sinundan naman ito ng National Operations Support Unit na may walong bagong kaso at National Capital Region Police Office (NCRPO) na may tatlo.
Tig – dalawa naman ang naitala ang Central Luzon at Mimaropa habang tig isa ang naitala sa Cagayan Valley, Calabarzon, Western, Central at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region At Caraga.
Mula sa nabanggit na bilang ng nagpositibo sa virus, 404 dito ang aktibong kaso matapos madagdagan ng 30 ang bilang ng mga nakalaya mula sa sakit.
Kaya naman umakyat na sa 7,874 ang kabuuang bilang ng recoveries sa PNP habang nananatili naman sa 27 ang bilang ng nasawi.