Nakumpiska sa 7 lalaki sa isang checkpoint sa Tinglayan, Kalinga ang may 43 bloke at halaman na Marijuana.
Kinilala ang mga unang naaresto na sina Brenson Bador, Melvin Espina at Andre Adem na nahulihan ng 16 na bloke at 16 na halaman na Marijuana sa loob ng sinasakyang van na patungong Tabuk, Kalinga.
Ayon kay Police Chief Insp. Carolina Lacuata, tagapagsalita ng Cordillera Police Regional Office, posibleng dadalhin ng mga suspek ang mga marijuana sa Maynila.
Samantala, sumunod na araw ay nakumpiska naman sa parehong checkpoint ang 11 plastic ng pinatuyong Marijuana at kawayan na may lamang Marijuana kina Jeson Taguitag, Joshua Simeros, Mantiezon Amanday at Cedrick Caranto.
Pinag aaralan pa ng mga otoridad kung magkasabwat ang dalawang grupong naaresto.