Patay ang 43 migrants at refugee matapos lumubog ang sinasakyang bangka ng mga ito sa karagatang sakop ng Libya.
Batay sa ulat, 10 ang nakaligtas sa trahedyang sinapit ng mga lulan ng bangka.
Ang mga ito umano ay mula sa Ivory coast, Nigeria, Ghana at Gambia.
Nagsisilbi umanong gateway ang Libya para sa mga African migrants at refugees upang makarating ng Europe.