Sumampa na sa 43 katao ang ini-admit sa ospital sa Davao City.
Ayon sa City Health Office (CHO) ng Davao, nakatira sa 12 barangay ng Toril District ang mga biktima na nakararanas ng pananakit ng tiyan simula pa noong July 15.
Maraming bata na rin ang tinamaan ng sakit. Sa ngayon, nagsasagawa na ng rectal swab at water analysis ang CHO para matukoy ang dahilan ng outbreak.
Pero hinala nila na galing ito sa kontaminadong tubig bunsod ng patuloy na pag-ulan at pagbaha. Agad namang ipinagbawal ang pagbebenta ng street food sa lugar na isa rin sa mga tinitingnang pinagmulan ng sakit.
—sa panulat ni Maryjoy Crizaldo (Intern)