Nasa 43 million voter’s information sheets (VIS) na ang naipamahagi ng Commission on Elections (COMELEC) sa buong bansa.
Layon ng VIS na ipaalam sa mga botante ang kanilang registration status at polling places para sa nalalapit na Halalan 2022.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, target nila na ma-distribute ang nasabing information sheet sa 67.4 million registered Filipino voters hanggang sa Miyerkules.
Paliwanag niya na maaaring gamitin ang VIS bilang ebidensya na ang isang botante ay rehistrado sa partikular na presinto sakaling magkaroon ng error o mali sa online precint finder.
Samantala, sinabi ni Garcia na 100% nang naipamahagi ang VIS sa Cordillera Administrative Region (CAR), Region 1 at Region 3 habang 51% sa National Capital Region (NCR).