43 pang mga persons under investigation (PUI) sa Pilipinas ang patuloy na binabantayan ng Department of Health (DOH) dahil sa posibilidad ng COVID-19 infection.
Ayon kay Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire, 14 sa mga naka-quarantine na inilakas na mga Filipino mula Japan ang naging symptomatic o nakitaan ng mga sintomas tulad ng ubo at sore throat.
Gayunman 10 na aniya sa mga ito ang nagnegatibo sa COVID-19 matapos isailalim sa test habang hinihintay naman ang resulta ng natitira pang-apat na symptomatic.
Sinabi ni Vergeire, sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 86 na ang kabuuang bilang ng mga Filipinong nasa ibang bansa na kumpirmadong positibo sa COVID-19.
Pinakamarami dito ay nasa Japan kung saan isinailalim sa quarantine ang Diamond Princess cruise ship.
Pinakahuli namang nadagdag na kaso ang isang 41 anyos na Filipina domestic worker sa Singapore.