Himas rehas na ngayon ang 43 wanted person kabilang na ang 14 na top most wanted personalities sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon sa Cordillera.
Ayon sa Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), tanging ang Benguet Provincial Police Office ang may mataas na bilang ng mga nahuli sa loob lamang ng isang linggong operasyon na mayroong 19; sinundan ito ng Baguio City Police Office na may 15; tig-apat sa Apayao at Kalinga Provincial Police Office at isa sa Abra Provincial Police Office.
Karamihan sa mga kasong kinabibilangan ng mga naaresto ay rape; Robbery with Intimidation; Murder with Illegal Possession of a Firearm; Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004; new Anti-Carnapping act of 2016 o RA 10883; kasong paglabag sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.; kasong paglabag sa Article 315 as amended by PD 1689 o swindling; kasong qualified theft; grave threats in relation to RA 9262 at robbery with force upon things.
Patuloy naman sa pagpapaigting ng operasyon ang mga otoridad sa lalawigan upang tuluyang mapuksa ang ibat-ibang klase ng krimen sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero