Magsisimula na ngayong Nobyembre ang shooting ng Phillipine adaptation ng Korean film na ‘A Moment to Remember’ na ngayon ay may pamagat na ‘special memory’ na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards bilang unang tambalan nila sa pelikula.
Sa isang post ng GMA Network sa Instagram account nito, kinumpirma ni VIVA Entertainment Executive Vincent Del Rosario ang balitang ito.
Matatandaang pumirma ng kontrata sina Bea at Alden para sa nasabing pelikula nitong Marso.
Ang ‘A Moment to Remember’ ay kwento ng mag-asawa na nahaharap sa kahirapaan dahil sa Alzheimer’s disease na dinadanas ng isa sa mga karakter. —sa panulat ni Airiam Sancho