Napili ang aktres na si Marian Rivera-Dantes na maging isa sa mga judge ng 70th Miss Universe pageant na gaganapin sa Disyembre 12 sa Israel.
Ayon kay Marian, sobra siyang na-excite ng matanggap niya ang good news.
Aniya, isa raw itong karangalan na maging bahagi ng selection committee.
Nakatakda namang bumiyahe ang aktres sa nasabing lugar sa Disyembre 6 kung saan may ilan itong lalahukan na aktibidad bago ang grand coronation.—mula sa panulat ni Airiam Sancho