Nagsimula na ang pagkukumpuni sa sirang drainage sa bahagi ng Roxas Boulevard.
Ito ang inanunsyo ng Department of Public Works and Highways o DPWH kung saan 54.9 linear meter ng libertad main drainage sa pasay city ang inuumpisahan nang ayusin matapos na pumayag ang mmda sa nasabing aktibidad.
Sinabi pa ng dpwh na inisyal na isasara ang daan patungo sa timog na bahagi ng roxas boulevard mula V. Sotto hanggang edsa malapit sa buendia flyover, upang magbibigay ng pagkakataon sa ahensya na makagawa ng epektibong drainage system.
Samantala, inabisuhan nito ang lahat ng light vehicles na dumaan sa Diosdado Macapagal Boulevard patungong mia bilang alternatibong ruta.—mula sa panulat ni Airiam Sancho