Aabot sa 70 transmission lines ng NGCP o National Grid Corporation ang naapektuhan ng Bagyong Odette.
Dahil dito, tuloy-tuloy ang aerial inspection at damage assessment ng NGCP sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette.
Ipinabatid ng NGCP na mataas pa rin ang tubig baha kaya’t hindi pa makumpuni ang 138 kilovolt line 2 sa Butuan -placer at sa 69 kilovolt line sa Surigao Del Norte.
Ayon pa sa NGCP, itinumba rin ng malakas na ulan at hanging dulot ng Bagyong Odette ang maraming puno sa Butuan – San Francisco at 138 kilovolt line sa Agusan Del Sur.
Tiniyak naman ng NGCP ang agarang pag-kumpuni sa 69 kilovolt line na natumba sa Sta. Barbara – Miag-ao sa Iloilo.
Kasabay nito, nanawagan ang NGCP sa publiko na huwag umasa sa fake news dahil halos 600 tauhan nito at dalawang chopper ang naka-deploy na para maibalik ang suplay ng kuryente sa Samar, Leyte, Negros Islands, Bohol, Cebu, Iloilo, Antique, Surigao, Agusan, Compostela Valley, Lanao Del Norte at Misamis Occidental.