Pinaiimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang natanggap na dalawang bomb threat sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bagamat wala pang kumpirmasyon kung totoo ito ay hindi anila binabalewala ang mga ganitong banta.
Tiniyak naman ni Angel Sumagaysay, Pinuno ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC), ang seguridad at kaligtasan ng mga residente.
Sinabi pa ni Sumagaysay na hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng bomb threat ang lokal na pamahalaan.
Hinimok naman ng Davao City LGU ang mga residente na kaagad na ipagbigay alam sa mga otoridad kapag may napapansing kahina-hinalaang mga aktibidad.