Nakarating na sa Dinagat Island ang mga tulong para sa mga residente ruon na matinding sinalanta ng Bagyong Odette.
Dala ng Philippine Navy ang nasabing tulong sakay ng BRP Rafael Pargas ng Naval Forces Eastern Mindanao.
Ayon sa Navy, agad nagsagawa ng relief operations ang kanilang mhga tauhan, namahagi ng pagkain at nagsagawa rin ng feeding activity.
Nagtayo rin sila ng charging station sa San Jose Port para sa mga naubusan na ng baterya at kailangang tumawag sa kanilang mga mahal sa buhay.
Isa ang BRP Rafael Pargas sa 19 na humanitarian aid-focused vessels ng Philippine Navy na naghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)