Pumalo na sa 70 ang naitalang nasawi matapos manalasa ang bagyong Odette sa probinsiya ng Negros Oriental.
Ayon kay Adrian Sedillo ng Negros Oriental Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) karamihan sa mga nasawi ay nalunod sa baha matapos ma-stranded sa biyahe at madaganan ng tumumbang kahoy.
Sinabi pa ni Sedillo na maari pang madagdagan ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyo gayung may mga lugar pang hindi napupuntahan ng rescuers at marami pa ang nawawalang indibidwal. —sa panulat ni Joana Luna