Umabot na sa pito ang bilang ng mga naiulat na nasawi sa naganap na pagsabog sa isang restaurant sa Eastern Congo.
Ayon kay Mayor Narcisse Muteba Kashale na isa ring Police Colonel, kabilang sa mga biktima ay 2 bata at 2 local officials, habang ang 14 na sugatang indibidwal ay dinala sa ospital.
Batay sa ulat, mahigit 30 katao ang nasa loob ng restaurant nang maganap ang pagsabog at napigilan pa umano ng mga security guards ang suicide bomber na makapasok sa bar na puno ng tao.
Sinabi naman ng mga opisyal doon na ang Allied Democratic Forces ang nasa likod nito, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa suicide bombing attack. —sa panulat ni Hya Ludivico