Aarangkada na ang 43rd season ng PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum, Quezon City.
Magsisimula ang opening ceremony, mamayang alas singko ng hapon.
Buena mano namang sasabak sa game ang three-time defending champions San Miguel Beermen kontra Phoenix Fuelmasters, ala sais kwarenta’y singko mamayang gabi.
Bukod sa San Miguel, inaabangan din ang magiging performance ng Alaska Aces lalo’t ito ang nakalaban ng San Miguel Beer sa finals ng 2015-2016 season.