Mahigit 40% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K to 12 education system sa bansa.
Ayon sa Pulse Asia Survey na isinagawa noong June 24 hanggang 27, 25% ng 1, 200 respondents ang nagsabing hindi sila gaanong kuntento sa kasalukyang sistema ng edukasyon habang 19% ang hindi kuntento.
Ang nasabing bilang ay 16% na mas mataas kumpara sa resulta ng survey noong September 2019 kung saan 28% ng respondents ang hindi kuntento.
Dahil dito, bumaba ang satisfaction rate sa 39% noong nakaraang buwan mula sa 50% noong September 2019.
Samantala, sinabi ni Senator Win Gatchalian na nakatakdang mamuno sa Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa 19th Congress na dapat repasuhin ang K-12 program.