44% ng mga Pilipino ang umaasang mas gaganda ang kanilang buhay sa mga susunod na buwan.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS) survey, sa 1, 440 respondents na lumahok, halos mayorya sa mga ito ang naniniwalang hindi na sila magiging tulad ng dating pamumuhay.
39% naman ang nagsabing walang pagbabago sa susunod na 12 buwan habang 4% nang naniniwalang mas lalala pa ito.
Wala namang tugon ang natitirang 13% respondents.
Ginawa ang survey mula ika-19 hanggang 27 ng Abril ngayong taon sa Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.