Nakapagtala ng 44 na volcanic earthquake ang Mount Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Sa inilabas na bulletin ng PHIVOLCS hinggil sa aktibidad sa Mt. Kanlaon, lumalabas na nagtala rin ito ng moderate emission ng puting steam laden plumes na nagmumula sa mismong crater nito na may taas na umaabot sa 200 metro.
Kasunod nito, nananatiling nakasailalim sa alert level 1 ang bulkan, ibig sabihin hindi pa rin normal ang aktibidad o nangyayari rito.
Samantala, nagpaalala ang PHILVOLCS sa mga awtoridad na patuloy na ipatupad ang pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng Mt. Kanlaon.