Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pamamahagi ng cash gifts para sa pagdiriwang ng kaarawan ng 442 senior citizens kahapon, Nobyembe a-22.
Ito’y bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Alinsunod ito sa City Ordinance 81, Series of 2022, o the Ordinance Further Extending Financial Benefits to Senior Citizens who have reached the ages of 70, 80, and 90 years of age and Providing Funds for the Purpose.
Kabilang sa mga tumanggap ng P3,000.00 ang mahigit 300 lolo’t lola na edad 70 habang tig-P80,000.00 ang mga nasa 90-anyos.
Mabibiyayaan naman ng tig-P100,000.00 ang mga centenarian ng Lungsod mula sa national government at karagdagang P50,000.00 mula sa Local Government. —sa panulat ni Hannah Oledan