Kalaboso ang mag-asawa na tulak ng iligal na droga matapos ang buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na si Mark Anthony Diwa alyas “bolok”, 40 anyos at Meriam Mariano alyas “yampot”, 29 anyos.
Ayon sa Caloocan City Police, narekober sa mag-asawa ang nasa 11 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P74,800 at P500 marked money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —sa panulat ni Mara Valle