Patay ang 29 katao matapos magkagulo at magkaroon ng stampede sa isang simbahan sa Monrovia, Liberia.
Batay sa ulat, nagsimula ang kaguluhan matapos sumugod ang isang grupo ng mga armadong lalaki at magtangkang magnakaw.
Kilala ang Liberian street gang bilang Zogos na karaniwang gumagawa ng pagnanakaw.
Tumanggi namang magkomento ang mga otoridad hinggil dito ngunit patuloy anilang iniimbestigahan ang indisente.
Nagdeklara naman ang pangulo ng Liberia na si George Weah ng tatlong araw na National Day of Mourning. —sa panulat ni Mara Valle