Maraming pilipino ngayon ang sobra-sobra ang pagtatrabaho para mabuhay ang kani-kanilang pamilya ngayong pandemyang dulot ng COVID-19.
Kaliwa’t kanang gawain ang inaatupag.
Para matapos ang mga gawaing ito, laging ginagamit ang kamay.
Pero paano kung namamanhid ang kamay at sumasakit?
Ilan sa kailangang gawin ay;
- Ipahinga ang kamay. Bawasan ang pagta-trabaho sa computer at pananahi.
- Huwag i-bend ang kamay. Dapat ay derecho palagi ang wrist.
- Huwag i-unan ang kamay dahil posibleng masira ang mga nerves.
- At panghuli, laging isagawa ang hand carpal tunnel exercise.
—sa panulat ni Abby Malanday