Tinatayang tatlo’t kalahating milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga otoridad sa isang high value target sa Novaliches, Quezon City.
Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Mantil Kasim, 28-anyos, residente ng Talitay, Maguindanao.
Nakumpiska mula kay Mantil ang nasa limandaan limampung gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Bagbag, kagabi.
Kabilang din sa nasabat ang 1000 peso boodle money at isang asul na motorola smart phone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.