Matagumpay na idinaos ang 44th Catholic Mass Media Award (CMMA) ngayong taon.
Kasunod na rin ito ng dalawang magkasunod na taong hindi naisagawa ng face to face ang naturang paggagawad ng parangal sa mga natatanging programa , palabas o artikulo sa dyaryo , radyo, telebisyon at digital media.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni CMMA Acting Chairman at ALC Group Chairman D. Edgard Cabangon.
Ang pagbati sa iba’t ibang media organization na nakatanggap ng parangal sa pagkakaroon nito ng tapang at dedikasyon sa paghahatid ng mga impormasyon sa publiko.
Binigyang pagkilala rin ni Cabangon ang paggamit ng mga talento ng broadcast communicators sa pagbuo ng malilikhain at worthy media broadcast na nagpapakita ng kaugalian at pananampalataya ng isang kristiyano.
Habang kabilang sa mga binigyang diin naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang tema ng CMMA ngayong taon na umikot sa temang “Communicating by Encountering People Where and as They Are”.
Kabilang na sa mga parangal ay ang Student CMMA Awards para sa mga natatanging gawa o produksyon ng mga mag-aaral.
Kabilang na rito ang Best Student Organ, Best Student Public Service Print Ad, Best Student Public Service Radio Ad, Best Student Public Service TV Ad, Best TV Production at Best Short Film gayundin ang Best Website para sa kategorya ng internet awards.
Bahagi rin ng CMMA ang Advertising Awards gaya ng Best Digital at TV Award samantalang naigawad na rin sa iba’t ibang pahayagan ang Best Special Feature, Editorial Cartoon, Comic Story, News Photograph at Opinion Column sa kategorya naman ng Print Awards.
Habang naigawad na rin ang CMMA Award sa mga natatanging programa sa radio kabilang na rito ang Best Counseling Program, News Commentary, News Feature, Best Public Service Program, Best Entertainment Program at Best Educational Program. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)